Ni REMY UMEREZ

NAGING matagumpay ang medical mission ng Actors Guild of the Philippines sa pamumuno ni Imelda Papin. Isinabay ito sa blessing cum thanksgiving party ng opisina ng actors guild sa ground floor ng SSS Building sa East Avenue, Quezon City.

Pinasalamatan ni Imelda si Dean Amado Valdez sa tulong at suporta sa kanyang mga proyekto. Napakalaking bagay nito para sa mga miyembro ng guild na wala pang SSS. May 800 members ang guild pero 300 lamang ang aktibo. Target din ni Imelda ang magkaroon ng tie-up sa PhilHealth.

Imelda Papin
Imelda Papin
Sa Nobyembre ay magkakaroon ng blood-letting. May gaganapin namang shootfest sa Deccember 2 at 3 sa Armscor, Marikina City. Inaasahang magpa-participate sa event sina Robin Padilla, Dingdong Dantes at Coco Martin. Isa itong fund-raising project na ang beneficiary ay ang mga miyembro ng actors guild na matatanda na at walang proyekto.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ang isang big event ng guild na gustong ibalik ni Imelda ay ang Star Olympics na laging dinudumog ng fans noong kainitan nito.

Kamakailan ay isinadula ang buhay at pag-ibig ni Imelda sa Magpakailanman at ayon na rin kay Imelda, “wala akong itinago” hinggil sa kanyang pribadong buhay.