SINANDIGAN nina Carl Zirex Sato at Jerome Angelo Aragones ang matikas na 3-1 panalo ng Perpetual Help kontra second seed San Beda para makopo ang huling spot sa championship round ng juniors division sa 93rd NCAA chess tournament sa Lyceum of the Philippines Auditorium.

Ginapi ni Sato, pambato mula sa Davao City, si Gal Brien Palasigue sa board two, habang nanaig si Aragones kay Alfredo Balquin, Jr.sa board four para makuha ng Junior Altas ang karapatan na sumabak sa Finals kontra sa Letran Squires.

Nanaig ang defending champions Squiares sa St. Benilde Junior Blazers sa hiwalay na semis match.

Nauna rito, tumabla sina John Marx Anastacio at Lou Anton Rivera kontra Brent Lenard Alanan at John Philip Oncita sa board 1 at 3,ayon sa pagkakasunod.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We dedicate this win to our school officials and people from Perpetual Help who supported us, we hope we could win in the finals,” sambit ni Perpetual Help coach Ruel Abelgas.

Kinailangan ng Perpetual Help, No.3 seed, na magwagi ng dalawang beses sa San Beda para makausad sa championship round.