BIRA BAI! Matikas na nakipagpalitan ng kombinasyon si Milan Melindo, sa kabila ng sugat sa kanyang mga mata, kontra sa challenger na si Hekkie Buddler tungo sa pahirapang ‘split decision’ para mapanatili ang IBF junior flyweight title, habang naging madugo rin ang duwelo ni Jason Pagara kontra James Onyango ng Kenya (kanan) na nauwi sa ‘split draw’ na ikinadismaya ng crowd na dumagsa sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City. 	JUAN CARLO DE VELA
BIRA BAI! Matikas na nakipagpalitan ng kombinasyon si Milan Melindo, sa kabila ng sugat sa kanyang mga mata, kontra sa challenger na si Hekkie Buddler tungo sa pahirapang ‘split decision’ para mapanatili ang IBF junior flyweight title, habang naging madugo rin ang duwelo ni Jason Pagara kontra James Onyango ng Kenya (kanan) na nauwi sa ‘split draw’ na ikinadismaya ng crowd na dumagsa sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City. JUAN CARLO DE VELA

Ni GILBERT ESPEÑA

IPINAMALAS ni IBF light flyweight champion Milan ‘El Metodico’ Melindo ang puso ng pagiging kampeon nang pabagsakin sa 12th round si South African Hekkie Budler para mapanatili ang kanyang korona at maisuot ang IBO junior flyweight belt nitong Sabado sa Pinoy Pride 42 sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu City.

Nagwagi si Melindo kina judges Glenn Trowbridge ng United States, 115-112 at Takeo Harada ng Japan, 117-110 pero nanalo si Budler kay judge Carl Zappia ng Australia sa iskor na 115-113.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Melindo landed the cleaner and more telling punches throughout the match as everytime Budler tries to penetrate inside Melindo always gets the better of the exchanges,” ayon sa ulat ng Philboxing.com. “In the 6th round, Melindo was cut with a headbutt in his left eyebrow as the round came to a close and fought bloodied in the remainder of the fight.”

Sa 10th round, sinadyang uluhin ni Budler ang kanang kilay ni Melindo pero hindi binigyan ng bawas sa puntos ang South African ng Amerikanong referee na si Wes Melton kaya duguan ang mukha ng Pinoy boxer na lumaban.

“Budler, sensing that he was behind in the scorecards, went for broke in the last three rounds but as a result he kissed the canvas in the 10th round courtesy of a Melindo combination,” dagdag sa ulat.

Napaganda ni Melindo ang kanyang rekord sa 37-2-0 na may 13 panalo sa knockouts samantalang bumagsak ang rekord ni Budler sa 31 panalo, 3 talo na may 10 pagwawagi sa knockouts.

Sa undercard ng laban, na-upset ni Jonas Sultan si two-division world titlist Johnriel Casimero nang magwagi sa 12-round unanimous decision sa IBF super flyweight eliminator kaya hahamunin niya ang kampeong si Jerwin Ancajas na isa ring Pilipino sa kanyang susunod na laban.

Nagtabla ang laban nina WBO No. 3 light welterweight Jason ‘El Nino’ Pagara ng Pilipinas kahit dalawang beses niyang pinabagsak si James Onyango ng Kenya sa loob ng 10 rounds kaya lumabo ang pag-asa niya sa world title fight.

Tiniyak naman ni world rated ‘King’ Arthur Villanueva na aakyat siya sa world rankings nang talunin niya sa 3rd round TKO si two-time world title challenger Richie Mepranum.