NABIGO si Eustaquio na makakuha ng world title fight sa ONE.
NABIGO si Eustaquio na makakuha ng world title fight sa ONE.

JAKARTA – Nabigo si Pinoy fighter Geje "Gravity" Eustaquio na mapalawig ang katayuan ng Team Lakay sa MMA nang magapi ni dating ONE flyweight champion Kairat Akhmetov nitong Sabado sa kabilang duwelo sa One:Total Victory dito.

Nagawang madomina ni Akhmetov ang tempo at makailang ulit ding napabagsak sa canvass ang Pinoy tungo sa ‘split decision’ na panalo.

Matikas ang galaw ni Eustaquio na nagawang makapagpatama sa katawan at mukha ni Akhmetoc sa kabuuan ng kanilang duwelo, ngunit nagawang makabawi ng karibal sa husay sa grappling.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Sa duwelo nang dalawang dating world title challenger, nagapi ni dating pro boxer Roy Doliguez ng Philippines si Yago Bryan ng Brazil para makuha ang third round technical knockout.

Samantala, patuloy ang pananalasa ni undefeated hometown hero Stefer Rahardian nang pabagsakin si Sim Bunsrun ng Cambodia sa loob lamang ng isang minuto.

Mabilis na napangibabawan ni Rahardian, bagong graduate sa Brazilian jiu-jitsu, si Bunsrun para sa deep rear naked choke.

Sa pinakamabilis na pagtatapos sa One Championship heavyweight division, naungusan ni Alain “The Panther” Ngalani si Hideki “Shrek” Sekine sa loob ng 11 segundo.