Ni: Argyll Cyrus B. Geducos

Inaasahang maglalabas ang Office of the Executive Secretary (OES) ng Executive Order (EO) na nagsususpendi ng klase at trabaho sa gobyerno sa araw ng malawakang demonstrasyon sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Ito ay matapos maibalita na magsasagawa ng mga demonstrasyon ang mga makakaliwang grupo sa National Capital Region (NCR) sa Setyembre 21 (Huwebes), ang ika-45 taon ng deklarasyon ng martial law ng namayapang si Pangulong Ferdinand Marcos.

Gayunman sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na wala pang partikular na petsa kung kailan ang ‘holiday’ o kung maglalabas nga ng kautusan si Executive Secretary Salvador Medialdea.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Ang Office of the Executive Secretary ay hinahanda iyan, hindi ko alam kung anong araw ilalabas kaya nga we have to wait for the official announcement,” anang Andanar sa panayam ng DZBB nitong Sabado.

“He [President Duterte] will announce no work, he will also announce no classes sa National Capital Region para pagbigyan ang oposisyon sa mga gustong mag-rally,” dagdag niya.