Ni: Bella Gamotea

Nabawi ng Pasay City Police ang motorsiklo ng isang Japanese reporter matapos tangayin sa tapat ng bahay nito sa Makati City kamakailan.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), narekober ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang Honda Wave motorcycle sa kahabaan ng Mary Luz Street, M. Dela Cruz, Barangay 127 sa nasabing lungsod, dakong 10:30 ng gabi.

Personal na humingi ng tulong sa mga pulis-Pasay si Nobuhiko Hashimoto, 59, nakatira sa Makati Cinema Square Tower, Chino Roces Avenue, Bgy. Pio Del Pilar, Makati City, nang mamataan niya ang kanyang motorsiklo sa nasabing lugar.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Nabatid na tinangay ng hindi pa nakikilalang suspek ang nakaparadang motorsiklo ng Japanese reporter, dakong 5:00 ng madaling araw nitong Setyembre 13.

Agad ini-report ng biktima sa Anti-Carnapping Unit ng Makati City Police ang insidente.