Ni REGGEE BONOAN

NAKA-CHAT namin sa Facebook at tumawag kalaunan ang dating sikat na mang-aawit noong 90s na si John Melo na sikat nang dentista sa San Francisco, California USA ngayon.

JOHN MELO AT PAMILYA copy

Pero nagpo-produce din pala siya ng shows at kumakanta-kanta rin kapag naiimbitahan.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Ang unang concert na prinodyus ni John ay ang series of shows nina Sharon Cuneta at Ian Veneracion. Nakatakda naman ang concert nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Mitch Valdez at Nanette Inventor na may titulong Diva 2 Diva sa Chabot Performing Arts Center, Hayward CA USA sa Nobyembre 3. For tickets online, maari raw mag-log on sa https://www.jmeloentertainment.com/or call 415-747-7240.

Nakilala si John Melo sa awiting Hanap-Hanap Kita na sinulat ni Vehnee Saturno 25 years ago pero hanggang ngayon ay pinatutugtog pa rin at available na rin Spotify at iTunes. Kaya sa madaling salita, natatandaan pa rin siya ng tao lalo na ‘yung fans niya na hindi pa rin bumibitiw sa kanya.

Ikinuwento ni John na kahit nakapagpundar na siya sa Amerika (may dalawa siyang clinic roon) ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang industriya na una niyang minahal.

Nabanggit din niya na in two weeks’ time ay mapapakinggan na sa Spotify at iTunes ang unang Christmas song niya na may titulong Malapit Na Ang Pasko.

Ngayong Nobyembre ang 25th year ni John simula nang pumasok sa showbiz. Plano niyang umuwi ng Oktubre para ipagdiwang ito kasama ang supporters niya na hindi pa rin siya nakakalimutan. Hanggang ngayon pala ay nakaka-chat niya ang mga ito, kinukumusta siya, at tinatanong kung kailan siya magso-show sa Pilipinas.