Ni Brian Yalung

ISANG laro na lamang ang titiisin ng La Salle Green Archers at muli nilang makakasama ang pambato nilang si Ben Mbala.

La Salle's Ben Mbala celebrates the 3-point shot of teammate Kib Montalbo during the UAAP match against FEU at MOA Arena in Pasay, November 12, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)
La Salle's Ben Mbala celebrates the 3-point shot of teammate Kib Montalbo during the UAAP match against FEU at MOA Arena in Pasay, November 12, 2016 (Rio Leonelle Deluvio)

Nakatakdang harapin ng reigning champions ang NU Bulldogs sa Sabado, ganap na 2:00 ng hapon sa Smart-Araneta Coliseum. Ngunit, wala pa sa bench ang 6-foot-8 na si Mbala.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kabila ng pagkawala ni Mbala, sumabak sa koponan ng Cameroon para sa 2017 FIBA AfroBasket 2017, nagawang pabagsakin ng Archers ang Far Eastern University Tamaraws nitong Linggo, 95-90. Laban sa Bulldogs, kakailanganin nila ang higit na tapang at tikas.

Pinulbos ng Bulldogs ang UE Red Warriors sa unang laro ngayong season, 86-69.

Sa AfroBasket, naitala ng 22-anyos na si Mbala ang averaged 18.3 puntos. At hindi naitago ni La Salle coach Aldin Ayo ang kasiyahan, higit at bago pa man umalis ang Cameronian star, naisaayos na niya ang outside shoiting nito, kabilang ang three-point area.

Sa kabila ng kumpiyansa ni Ayo, iginiit ni Mbala na hindi siya nakadadama ng pressure, ngunit determinado siyang maidepensa ang korona para sa La Salle.

“Coach is cool. I am really excited to go back and help the team,” pahayag ni Mbala.

Kumpiyansa si Mbala na nasa tamang direksyon ang kampanya ng Archers. Nagawa niyang magpahiyang nang manood ng laro ng DLSU t FEU sa second half.

“They are playing very well and should keep the same mentality entering every game,” sambit ni Mbala.