Ni ROMMEL P. TABBAD

Kasunod ng pahayag ng pagtataas ng singil sa kuryente ngayong buwan, magtataas din ng singil sa tubig ang Maynilad Water Services, Inc. (MWSI), na nagsu-supply ng tubig sa west zone ng Metro Manila.

Ito ay matapos na manalo ang water company sa isang arbitration case sa Quezon City Regional Trial Court Branch 93 na nagpapahintulot na maaari na nitong ipatupad ang iginiit na rate adjustment.

Sa ruling ng korte, pinayagan nito ang Petition for Confirmation and Enforcèment of Arbitral Award na isinampa noong Hulyo 2015 kasunod ng pagtanggi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at ng MWSS Regulatory Office na maipatupad ang final award noong Disyembre 29, 2014.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nakapaloob sa final award ang pagpapatibay sa 13.41 percent rebasing adjustment na iminungkahi ng MWSI para sa ikaapat na rate rebasing period, mula Enero 1, 2013 hanggang Disyembre 31, 2017.

Ayon sa MWSI, tataas ng 9.89% ang average basic charge ng kumpanya para sa taong ito na kumakatawan sa balanseng 13.41% rebasing adjustment na hindi rin naipatutupad.

“This will translate to an average increase of P3.41 per cubic meter of the 2017 average basic charge of P34.51 per cubic meter,” anang Maynilad. “For households with monthly water consumption of 10 cubic meters or less, this would translate to an increase of P11.56 in their monthly bill, from P118.61 to P130.18.”