MAGWAWAKAS na ang well-loved primetime series na Mulawin vs Ravena ng GMA-7 kaya hindi makabitaw ang mga tagasubaybay na aliw na aliw sa exciting twists nito.

Dennis Trillo copy

Lubos ang pasasalamat ng bidang si Dennis Trillo, gumaganap bilang Gabriel sa buong team at crew sa mapangahas na kuwento ng telefantasya at sa pagkakataon na muling maging bahagi ng iconic na Kapuso series. Ayon naman sa younger stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio, Kiko Estrada, Bianca Umali, at Miguel Tanfelix, nag-enjoy sila nang husto sa kanilang journey sa Mulawin vs Ravena journey at itinuturing nila itong unforgettable.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Habang giba pa rin ang Avila, ang Mulawin ay magbubukas ng panibagong kabanata para sa kanila at muling itatayo ang kanilang tahanan. Hihingin na ni Pagaspas (Miguel) sa wakas ang mga kamay ni Lawiswis (Bianca) upang magpakasal at ganito rin ang gagawin ni Almiro (Derrick) kay Anya (Bea). Magbubunyi ang Avila sa kasalan sa kanilang kaharian, pero hindi na naman ito basta-basta palalampasin ni Rafael (Kiko) kaya muli na naman itong mag-uumpisa ng gulo.

Sa digmaan ay laging may magbubuwis ng buhay. Matagpuan na kaya ng mga Mulawin sa wakas ang kapayapaan at katapusan ng digmaan? O talagang wala nang pag-asang natitira para sa kanila?

Huwag palampasin ang pagwawakas ng Mulawin vs Ravena ngayong gabi pagkatapos ng Alyas Robin Hood sa GMA Telebabad.