NAMILI si Jonathan Jota sa kanyang pangarap na International Master norm at tungkulin sa eskwelahan. May tumimbang ang hangaring maihatid sa kampeonato ang Lyceum of the Philippines University.

Hindi nagkamali sa desisyon si Jota na ma-default sa kanyang laro sa ‘Battle of Grandmasters’ nang sandigan ang Lyceum sa 2.5-1.5 panalo kontra St. Benilde sa Final Four duel ng 93rd NCAA chess competition nitong Lunes sa LPU Auditorium sa Manila.

Ginapi ni Jota si Prince Kenneth Reyes sa board one para makuha ang krusyal na panalo at akayin ang Pirates sa championship round laban sa San Beda Red Lions, nagwagi sa Arellano University, 3-1, sa hiwalay nba semifinal match.

Nagwagi rin si Romulo Curioso, Jr. sa second board, habang nakihati ng puntos sina Virgen Gil Ruaya at Hans Christian Balingit.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tanging si Nelson Busa, Jr. ang nakapagpanalo sa St. Benilde sa second board.

Nakuha naman ng San Beda ang panalo mula kina McDominique Lagula, Marc Christian Nazario at Prince Mark Aquino, habang si Don Tyrone delos Santos ang nakaisa sa Arellano kontra FIDE Master Mari Joseph Turqueza sa top board.

Sa juniors play, ginapi ng Perpetual Help ang San Beda, 2.5-1.5.