KUALA LUMPUR, Malaysia — Dumating ang unang grupo ng Team Philippines na magtatangkang tumabo ng 27 medalya sa 9th ASEAN Para Games na nakatakda sa Sept. 17-23 sa Bukit Jalil National Sports Complex.

Bukod kay Josephine Medina sa table tennis, inaasan ang matikas na kampanya ni chess master Mindandro Ridor, magsisilbi ring flag-bearer ng delegasyon sa opening ceremony sa Linggo.

Nagwagi ng apat na ginto ang team Philippine sa Singapore edition may dalawang taon na ang nakalilipas, kabilang ang tagumpay nina Medina at powerlifter Adeline Dumapong-Ancheta.

Umaasa si Chef de mission Ral Rosario na mapapataas ng delegasyon ang morale ng bawat isa upang mapagtakpan ang kabiguan ng regular athletes na nagwagi lamang ng 24 gintong medalya sa 29th Southeast Asian Games na ginanap din dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It will not be easy but I can assure our country I will give it my best to win the gold,” pahayag ni Medina.

Kumpiyansa naman si Dumapong, bronze medalist sa Paralympica sa Sydney, sa matikas na laban ng Pinoy athletes.

“I was told by my coaches that I can still compete at this high level for four or five more years,” pahayag ng 43-anyos na si Dumapong.

Sasabak ang atletang Pinoy sa athletics (nine), badminton (seven), boccia (three), chess (17), cycling (three), goal ball (six), powerlifting (five), table tennis (nine), swimming (10), tenpin bowling (15) at wheelchair basketball (12).