Ni NITZ MIRALLES

MAGANDA ang karamihan ng comments sa cover ni Bianca Umali sa Fair, isang online publication.

Na-capture ng camera ang kagandahan ng Kapuso actress at ang comments ng netizens, habang nadadagdagan ang edad ay lalong nagbu-bloom at gumaganda si Bianca.

Bianca Umali
Bianca Umali
Sabi sa write-up ng magazine, isa si Bianca sa “most promising artists of her generation” sa rami ng na-achieve at her young age. Nanghihinayang ang fans ng aktres na hindi nila mabibili sa news stands ang magazine at maganda raw sana kung may hard copy sila.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, magtatapos na sa Friday, September 15 ang Mulawin vs Ravena na gumaganap si Bianca bilang si Lawiswis. Hindi malilimutan ni Bianca ang nabuong friendship ng cast at buong team ng fantaserye.

“Mami-miss ko ang lahat, naging close kami, para kaming isang pamilya at lumalabas kami minsan para tuloy ang bonding off-cam. First fantaserye ko ito, first time kong mag-costume, mami-miss ko ang karakter kong si Lawiswis at ang costume ko,” wika ni Bianca.

Isa sa mga unang nakaplanong gawin ni Bianca after Mulawin vs Ravena ay ang magbakasyon sa Hong Kong kasama si Bea Binene at ang ina at kapatid nito.

Excited na si Bianca sa first travel abroad niya ngayong adult na siya.