ANG mga panlabang manok ay nakakundisyon na. Ang mga tari ay nahasa na at ang lupa sa rueda ay matigas na. Tunay na handa na ang lahat para sa pagdaraos ng isa sa pinakahihintay na labanan sa larangan ng sabong sa buong mundo – ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby na nakatakda sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila sa Setyembre 15-24.

Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pag-alalay nila Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, ang 10-araw na pandaigdigan glabanan ay magkatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.

Ang mga derby organizers at mahigit na 300 kalahok ay ihaharap sa media sa tradisyonal na press conference na gaganapin sa ika-10 ng umaga sa Vestibule ng Newport Performing Arts Theatre sa Resorts World Manila.

Imbitado ang mga bumubuo ng Sabong Media na sina Wilvin Sy (Cockfghts Magazine), Pachie Cruz (Sabong Star Magazine), Jun Jamandores (Fightingcock), Dennis Osting (Gamefowl Magazine), Jhong Alcantara (Bagong Sabungero Magasin) as well as television hosts/representatives Bam Camiña (Chicken Talk), Supersabong (Miguel Laviña), Joey Sy/Eddie Boy Ochoa (Bakbakan Na); Jing Concepcion (Sabong TV), Llamadista (Andy Ong) at Salpukan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA