UP and UST players look at the loose ball during the UAAP Season 80 match at Mall of Asia Arena in Pasay, September 10, 2017 (Rio Leonelle Deluvio)

Ni Marivic Awitan

NAISALPAK ni Paul Desiderio ang game-winning triple may 1.1 segundo ang nalalabi para sandigan ang University of the Philippines sa makapigil-hiningang 74-73 panalo kontra University of Sto. Tomas kahapon sa UAAP Season 80 basketball tournament sa MOA Arena.

Hindi naman kinasiyahan ng suwerte si Jeepy Faundo na nagmintis sa kanyang ‘Hailed Mary’ shots sa buzzer para makalusot ang Maroons sa dikdikang duwelo sa Tigers.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang krusyal na opensa ni Desiderio ay pambawi sa krusyal na turnover ng UP nang ma-foul ni Gelo Vito si Marvin Lee may limang Segundo ang nalalabi sa laro. Naisalpak pareho ni Lee ang dalawang free throw para sa 73-71 bentahe ng UST.

Mula sa inbound play, nakuha niu Desiderio ang pagkakataon para sa three-pointer na tamang-tama ang pagkakabitaw para sa winning shot at nagdurog sa puso ng Maroons at sa mga tagahanga na nag-akalang sa kanila na ang panalo.

“Maganda yuing silip ko sa tira, sa isip ko kaya ko itong ipasok. Salamat naman po at hindi nga sumablay,” sambit ni Desiderio.

Naghihintay na ang pagdiriwang ng UST nang matikas silang makabangon mula sa 11 puntos na paghahabol at makuha ang bentahe sa huling limang segundo.

Ngunit, nakasingit si Desiderio.

Nanguna sa Growling Tigers si Marvin Lee sa naiskor na 20 puntos, habang kumana si Steve Akomo ng 15 puntos at 14 rebound.

Samantala, pinangunahan ni Chibueze Ikeh, sa naiskor na 18 puntos at 17 rebounds, ang Ateneo sa 85-65 panalo kontra Adamson sa season opener nitong Sabado ng gabi.

Nagawang madomina ni Ikeh ang laro sa pagkawala ni Adamson star Papi Sarr na hindi nakalaro dulot ng injury.

Iskor:

UP 74 – Desiderio 17, Vito 9, Webb 7, Gomez de Liano Ju 7, Manzo 6, Gomez de Liano Ja 6, Ouattara 4, Lim 4, Prado 4, Dario 4, Lao 4, Romero 2, Harris 0

UST 73 – Lee 20, Akomo 15, Sta. Ana 11, Soriano 8, Huang 6, Garcia 5, Faundo 4, Arana 2, De Guzman 2, Basibas 0, Caunan 0, Kwawukumey 0, Macasaet 0, Romero 0

QUARTER SCORES: 18-19, 42-33, 57-57, 74-73