YANGON(AFP) – Nagdeklara ng isang buwang unilateral ceasefire kahapon ang mga militanteng Rohingya, ang mga pag-atake noong Agosto 25 sa Rakhine State ng Myanmar ay nagbunsod ng pagtugis ng army na nagtulak sa halos 300,000 Muslim minority na tumakas patungong Bangladesh.

‘’The Arakan Rohingya Salvation Army (ARSA) hereby declares a temporary cessation of offensive military operations,’’ saad sa pahayag sa Twitter handle na @ARSA_Official, idinagdag na pahihintulutan nilang makarating sa magulong rehiyon ang humanitarian aid.

Hinimok ng grupo ang lahat ng ‘’humanitarian actors’’ na ipagpatuloy ang paghahatid ng tulong sa lahat ng mga biktima ng humanitarian crisis “irrespective of ethnic or religious background’’ sa panahon ng ceasefire na tatagal hanggang Oktubre 9.

Nanawagan ito sa Myanmar na magdeklara rin ng parehong ‘’humanitarian pause’’ sa labanan. Wala pang tugon ang militar.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'