Ni: Marivic Awitan

Mga laro ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.h. -- Kia vs Alaska

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

6:45 n.g. -- Ginebra vs San Miguel Beer

ITATAYA ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang pamumuno sampu ng naitalang six-game winning run kontra grand slam seeking San Miguel Beer sa tampok na laro ngayong gabi ng 2017 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Hawak sa kasalukuyan ng Kings ang solong pamumuno sa taglay nitong 7-1, marka.

Huli nilang tinalo para sa ika-6 na sunod nilang panalo ang Blackwater nitong Biyernes, 98-81.

Para kay coach Tim Cone isang magandang preparasyon ang nasabing laro para sa laban nila ngayon sa Beermen.

“It’s a good win cause we’ll be playing San Miguel on Sunday,” aniya.

Ayon pa kay Cone, hindi niya tanggap ang sinabi ni coach Leo Austria na ang Kings ang team -to-beat. Bukod dito, sariwa pa rin aniya ang sugat na dulot ng natamong kabiguan sa kamay ng San Miguel noong nakaraang Commissioners Cup finals.

Sa panig naman ng SMB, ang magandang nilalaro ng Ginebra ang isa sa mga dahilan kung bakit sa loob ng dalawang linggo ay nakadalawang beses silang nagpalit ng import.

Inaasahang ipaparada ngayon ng Beermen ang bagong import na si Terrence Watson na ipinalit kay Terik Bridgeman na nakadalawa lamang laro matapos palitan ang unang import na si Wendell McKines.

“What we’re thinking is to have a player who can matchup with the import of other teams like Justin Brownlee. What we want is somebody who an attack in the middle, shoot from the outside and who can bring down the ball. At least not a one-dimensional player,” paliwanag ni Austria.

“Wendell is a good import, but he and June Mar play almost the same position. June Mar is already healthy that’s why want someone who can complement him, we want someone who can shoot from the perimeter,” aniya.