Ni MERCY LEJARDE

KAHIT aminadong nagkakasakitan na sa mga eksenang nagbabangayan sila sa Haplos, friends pa rin sina Thea Tolentino at Sanya Lopez off-cam.

SANYA AT THEA copy

Lagi kasing intense ang mga eksena nila at hindi sila kumukuha ng double.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Naikuwento ni Thea sa amin na may isang eksenang nagsasampalan at nagsasabunutan ang characters nilang sina Lucille at Angela at aksidenteng natamaan niya ang ngipin ni Sanya na akala niya dumugo. ‘Yun pala ay kamay niya ang dumudugo dahil tumama sa earrings ni Sanya.

Pero alam naman nilang hindi talaga maiiwasang magkasakitan at never silang magkakapersonalan. Worth it naman dahil aliw at ‘kaloka ang mga eksena sa Haplos, in pernes.