Ni: Rommel P. Tabbad

Binigyan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng tatlong-taong extension ang prangkisa ng mga transport network company (TNC) na Grab, Uber at U-Hop.

“Nakita namin na three-year period is reasonable,” ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III.

Ipinunto ni Delgra na ang nasabing hakbang ay napagkasunduan na nila sa idinaos na technical working group (TWG) meeting kamakalawa.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Aniya, expired na sana ang prangkisa ng Grab nitong Hulyo, habang ang Uber ay sa Agosto pa.

Tiniyak pa ni Delgra na maglalabas ng memorandum ang LTFRB ngayong buwan kaugnay ng pagpapalawig sa prangkisa ng tatlong TNC.