Ni: Liezle Basa Iñigo

Bumulaga sa mga residente ang isang naaagnas na bangkay ng lola sa Barangay 7 sa Bacarra, Ilocos Norte.

Kinilala ng Ilocos Norte Police Provincial Office ang biktimang si Candida Sagayaga, 76, biyuda at naninirahan sa nabanggit na lugar.

Ayon sa mga kapitbahay, huling nakita ang biktima nitong Linggo, at Miyerkules nang matagpuan ang agnas ng bangkay ng lola dahil sa masangsang na amoy nito.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa doktor, maaaring tatlong araw ng patay ang biktima habang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay ng matanda.