Ni: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Patay ang isang prominenteng negosyante at tiyuhin ni Batangas City Mayor Beverly Rose Dimacuha-Mariño matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa labas ng kanyang opisina nitong Martes.

Ayon kay Batangas City Police chief Supt. Norberto Delmas, namatay habang nilalapatan ng lunas sa St. Camillus De Lellis Hospital si Ruben Dimacuha y Berberabe, 81, may trucking business at gasolinahan, dahil sa tinamong tama ng bala sa kaliwang dibdib at braso.

Dakong 6:10 ng gabi at nakaupo ang biktima sa harap ng RD Marketing Office sa Diversion Road sa Bgy. Balagtas nang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa pamamaslang habang pinaghahanap pa ang suspek.