Ni REGGEE BONOAN
MAY shooting ngayon sa Singapore si Shaina Magdayao para sa pelikulang nila ni Ms. Charo Santos-Concio mula sa direksiyon ni Lav Diaz.
Sampung araw siya roon at pagbalik ng Pilipinas ay may storycon siya para sa bagong teleserye sa Dreamscape Entertainment. Abut-abot ang pasasalamat ng aktres dahil patapos pa lang ang The Better Half bukas pero heto at may bago na kaagad siyang project.
Kahit nasa ibang bansa ang dalaga, wala siyang tigil sa kapo-post sa Instagram ng mga nangyayari sa The Better Half.
Kanya-kanyang pahulaan ang mga sumusubaybay kung ano ang mangyayari kina Camille (Shaina), Marco (Carlo Aquino), Rafael (JC de Vera), at Bianca (Denise Laurel). Maging ang kani-kanilang fans ay may sari-saring teorya sa posibleng pagtatapos ng serye.
“Si Bianca at Rafael ang mamamatay. Buntis si Camille at papangalanan niya itong Rafael,” komento ng YouTube user na si Gian Perez.
“Si Camille ang matitira diyan. Iaalay ni Marco at Rafael buhay nila. Si Bianca naman mababaril ng pulis,” sabi ng isa pang YouTube user na si Newmoon Clear.
“Rafael at Camille pa rin sa huli! Si Marco mababaril sa puso, tapos si Raf sa balikat lang,” sabi naman ni Tin Amparo sa official Facebook page ng serye.
Marami pang aabangan ang mga manonood dahil marami pang pasabog sa dalawang araw at patuloy na ipagkakait ni Bianca ang masayang buhay kay Camille. Ilalagay niya sa panganib ang mga mahal sa buhay ng mortal niyang kaaway sa araw ng kasal nito. Pero hindi naman titigil sina Rafael at Marco sa pagpigil sa kasamaan ni Bianca at sisiguraduhing pagbabayaran niya lahat ng kasalanan niya.
Pero matuloy nga kaya ang kasal ni Camille at makuha ang masayang buhay na inaasam niya sa piling ni Rafael? Paano mapoprotektahan ni Marco si Camille? Mahulog kaya sila sa patibong ni Bianca?
Abangan ang huling dalawang araw ng The Better Half pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Samantala, inaanyayahan naman ni Shaina ang lahat ng regular customers nila sa Ystilo Salon na mag-avail sa kanilang 19th Anniversary 50% discount promo simula Setyembre 8 hanggang 30 sa Premium Services at Hair Treatment tulad ng Hair Rebond, Hair Color, Kera Glaze, Aroma Hair, Remedy/Ultrasonic Iron and Keratin Treatment sa lahat ng sangay ng Ystilo Salon.
At para sa mga gustong mag-franchise, maaaring mag-email sa [email protected] o tumawag sa (02)927-7532, 632.917-3124208, 632.927-7532, +632.415-0222, +632.927-7533.