Ni REGGEE BONOAN

NAMAALAM na si Aling Dory, ang character ni Sylvia Sanchez sa La Luna Sangre nitong Lunes nang magtamo ng 3rd degree burn nang sumabog ang tangke ng gas sa bahay nila.

Ipinaliligpit kasi ni Senator Paglinuan (Freddie Webb) ang buong pamilya ni Miyo (Kathryn Bernardo) dahil alam nitong tinitiktikan ito ng huli.

SYLVIA SA 'LA LUNA SANGRE' copy

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Unang nagduda kay Miyo ang Supremo (Richard Gutierrez) dahil sa mga ikinikilos niya na ikinuwento nito kay Senator Paglinauan na nagsagawa rin ng sariling imbestigasyon hanggang sa may mga lakad itong palpak dahil sa kagagawan ng security nito.

Hmmm, sinadya na yatang patayin ang karakter ni Ibyang sa La Luna Sangre para makabuwelo sa taping ng kanyang bagong teleserye kasama ang anak na si Arjo Atayde bukod pa sa shooting niya ng indie film na ‘Nay.

Dinalaw namin si Sylvia sa shooting niya sa Hardin ng Pag-Asa, Mandaluyong City ng nasabing indie produced ng Cinema One Originals sa direksiyon ni Kip Oebanda.

Nakakatakot ang eksenang kinunan dahil nasa rooftop ng apat na palapag na gusali sina Ibyang at Enchong Dee na walang harang kaya kapag nagkamali ka ng kilos ay tiyak na mahuhulog ka sa ibaba.

Ano ang eksenang kinukunan at nasa tuktok kayo, tanong namin sa aktres.

“Nangangahoy ako ng taong kakainin ko,” pabirong sagot ng aktres.

Alas dose ng hatinggabi ay nagpa-pack-up na si Ibyang dahil maaga ang call time niya kinabukasan sa LLS sa isang hospital.

Death scene na pala kasi ang kinunan kay Aling Dory na nang mapanood namin ay napakanatural. Inisip namin na tulog lang nang mga sandaling iyon si Ibyang dahil puyat siya at ilang oras lang umidlip dahil nanggaling nga siya sa shooting ng ‘Nay.

Bago namatay si Aling Dory ay kumanta pa siya ng lullaby para sa adoptive apo na anak ni Greta (Meryll Soriano).

‘Buti napapayag na kumanta ang aktres.

Anyway, sa mga hindi nakakaalam, animation ang bagong project ni Ibyang na boses niya ang gagamitin.

“Sabi kasi gusto nila ang boses ko na Visayan accent, natawa ako sa sarili ko kasi di ba, Bisayang-Bisaya ako magsalita at natatawa nga ang lahat sa akin.

“Hindi ko inakala na ang pagiging Bisaya ko ay heto pagkakakitaan ko pala, ha-ha-ha,” sabi ni Ibyang.