Ni NORA CALDERON

MAGKASAMANG dumalo sa wedding nina Dr. Hayden Kho at Dr. Vicki Belo sa Paris sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado, kasama ang maraming iba pang mga artista at celebrity na pumunta roon.

Dennis & Jennylyn sa Eiffel Tower copy

Pawang partner-partner sila, at hindi nga naiba sina Dennis at Jennylyn sa ibang nagsipunta roon, tulad nina Lovi Poe, Rhian Ramos, na hindi nakalimutang mag-pose sa pamosong Eiffel Tower.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Agad napansin ang post ni Dennis na selfie nila ni Jen sa Eiffel Tower at ang caption lang niya ay, “Tower of Love” na may heart emoji. Agad itong umani ng libu-libong likes at more than 300 comments. Halos iisa ang comments: “Hope you two will be the next to tie the knot.”

May nagsabi pa na, “Bagay kayo, magkamukha kayo,” “Magkamukha na sila. And next in line to road forever,” “Magpakasal na po kayo, Papa Dennis, si Jennylyn na po ang forever n’yo.”

Pero may nag-comment din na sana raw ay magkaroon ng bagong teleseryeng magkatambal sina Dennis at Jennylyn. Tapos na raw ang My Love From The Star ni Jennylyn at matatapos na rin ang Mulawin vs Ravena ni Dennis, kaya libre na silang magtambal muli sa isang soap.

Hindi na rin umiiwas si Dennis kapag tinatanong tungkol sa kanila ni Jennylyn. Maging ang tungkol sa kasal, hindi na rin niya iniiwasan. Iyong, kahit busy ang schedule niya, humahanap siya ng time na magkasama sila o masamahan niya si Jennylyn sa pupuntahan nito. Tulad nga nitong Paris travel nila, humingi siya ng time sa taping niya ng Mulawin vs Ravena, para masamahan niya ang girlfriend sa pagpunta sa wedding.

Sina Dennis at Jennylyn na nga kaya ang susunod na magpapakasal?