Nina FER TABOY at BETH CAMIA

Sa hearing kahapon sa Senado, nabanggit na nagpositibo sa gunpowder ang pinatay na dating University of the Philippines student na si Carl Angelo Arnaiz.

Ayon sa isang PNP Crime Lab representative, nagawa nilang isailalim sa paraffin test si Arnaiz, na sinasabing nanlaban sa mga umaarestong pulis.

“Suspect drew his gun and declared a heist and intent to gain, took the wallet of the victim, and hit the latter using his gun, causing injury then alighted,” ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Director Oscar Albayalde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

CALOOCAN CHIEF SINIBAK

Sinibak ni Albayalde sa puwesto si Caloocan City Police director Senior Supt. Ilustre Mendoza sa pagkakasangkot ng mga tauhan nito sa pagpatay kay Arnaiz.

Si Senior Supt. Jemar Modequillo, dating hepe ng Parañaque City Police Office (PCPO) ang naatasang humalili sa puwesto ni Mendoza.

WALANG WHITE WASH—MALACAÑANG

Binigyang-diin ng Malacañang na walang mangyayaring “white wash” sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Arnaiz.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, masisiguro ang isang impartial investigation o walang pinapanigang imbestigasyon.

Aniya, magiging masusi ang pagsilip sa kaso na isinasangkot ang dalawang Caloocan pulis.

PROTEKSIYON NG PAMILYA TINIYAK

Tiniyak ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang proteksiyon ng pamilya Arnaiz kasunod ng pagkakapatay ng binatilyo na sinasabing nangholdap ng taxi driver at nanlaban sa dalawang pulis ng Caloocan City.

Sila ay pawang isasailalim sa Witness Protection Program ng Department of Justrice (DoJ).

Sa kabila nito, wala umanong natatanggap na banta sa buhay ang pamilya Arnaiz.

Una na ring ipinag-utos ni Aguirre sa NBI na hanapin si Reynaldo de Guzman, 14, na kasama umano ni Carl na bumili ng pagkain bago ito nawala at natagpuang patay sa morgue.