PYONGYANG/WASHINGTON (AFP) – Nakabuo ang North Korea ng hydrogen bomb na maaaring ikabit sa bagong intercontinental ballistic missile ng bansa, ipinahayag ng Korean Central News Agency kahapon.
Hindi pa malinaw kung matagumpay na napaliit ng Pyongyang ang mga armas nuclear nito, at kung mayroon na itong gumaganang H-bomb, ngunit sinabi ng KCNA na sinuri ni North Korean leader Kim Jong-Un ang mga armas sa Nuclear Weapons Institute.
Ito ay “thermonuclear weapon with super explosive power made by our own efforts and technology”, iniulat ng KCNA na sinabi ni Kim, at “all components of the H-bomb were 100 percent domestically made”.
Ipinakita ang mga larawan ni Kim na sinusuri ang metal casing na may dalawang bulges.
Lalong pinahusay ng North ang kanyang “technical performance at a higher ultra-modern level on the basis of precious successes made in the first H-bomb test”, iniulat ng KCNA na sinabi ni Kim, idinagdag na iniutos nito na simulan na ang “tasks to be fulfilled in the research into nukes”.
Nag-usap naman sina US President Donald Trump at Japanese Prime Minister Shinzo Abe para talakayin ang ‘’growing threat’’ ng North Korea.
‘’The two leaders reaffirmed the importance of close cooperation between the United States, Japan, and South Korea in the face of the growing threat from North Korea,’’ saad sa pahayag ng White House nitong Sabado.
Hindi nito nilinaw kung nag-usap ang dalawang lider bago ipinahayag ng Pyongyang na nakabuo na ito ng H-bomb na maaaring ikabit sa bagong missile.