JOHANNESBURG – Balik sa negosasyon ang unification bout nina Hekkie Budler at IBF junior-flyweight champion Milan Melindo ng Pilipinas matapos makisalo ang Golden Gloves sa pangangasiwa ng promoter na si Rodney Berman.
Ayon kay Berman, naaayos na ang gusot at sa kasalukuyan ay inaaayos na ang accommodation ng tatlong hurado na kukunin sa laban.
Si Wes Melton ng US ang referee sa laban na nakatakda sa September 16. Ilang malalaking laban na ang pinangasiwaan ni Melton kabilang ang laban nina Shane Mosley, Joe Parker at Roy Jones jnr.
Ang talong hurado ay sina Takeo Harada (Japan), Carl Zappia (Australia) at Glenn Trowbridge ng Las Vegas, naging hurado kamakailan sa laban ni Gervonta Davis sa IBF championship fight sa undercard ng Floyd Mayweather kontra kay Conor McGregor.
“I have no complaints,” pahayag ni Berman. “All we want is a fair shake.”