Ni: Danny J. Estacio

DOLORES, Quezon – Dalawang batang magkapatid ang namatay nang masunog ang kanilang bahay sa Sitio Bana, Barangay Bulakin 2, sa bayang ito nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Joshua Diaz Plata, 7, at Dave, 5.

Nakaligtas naman ang nakatatanda nilang kapatid na si Christian Vargas na nagtamo ng mga paso sa katawan.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Base sa imbestigasyon, napabayaang kandila ang pinagmulan ng sunog.

Hindi na nakalabas ng bahay sina Joshua at Dave sa mabilis na pagkalat ng apoy.

Nakaligtas si Christian at humingi ng tulong sa mga kapitbahay, ngunit hindi na nasagip ang kanyang mga kapatid.