Alden & Sarah

ni Nora Calderon

VERY successful ang una sa tatlong concerts na gagawin nina Sarah Geronimo at Alden Richards.

Parehong endorser sina Sarah at Alden ng Cebuana Lhullier na sa pagsapit ng ika-30 taong paglilingkod sa ating mga kababayan, lalo na sa ating OFWs, ay nagbigay ng concert sa SM Mall of Asia (MOA) nitong nakaraang Biyernes.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maaga pa ay dumating na ang AlDub fans at fans ni Sarah at ang special guests sa concert. Before lunch, nakapila na ang fans, ang senior citizens, mayroong as old as 92 na binigyan ng chance na mauna sa pila, kahit pa 5:00 PM pa sila nagpapasok ng mga tao na pumuno hanggang sa tuktok ng MOA. At 8:00PM, nagsimula na ang concert.

Nauna sa special guests ang love team nina James Reid at Nadine Lustre. Sumunod sina Erik Santos at Rey Valera na kumanta ng tigtatlong songs, bago lumabas na sina Sarah at Alden.

Halata ang medyo paos na boses ni Alden, na maaga pa ay nag-post na sa kanyang Twitter page ng, “Can’t be sick.” Dahil siguro ‘yun sa sunud-sunod na work ni Alden at bumiyahe pa siya sa Japan nang magbakasyon ang Eat Bulaga Dabarkads. Pagbalik ni Alden, rehearsal na siya for the concert at umaga pa lamang ng September 1, nasa MOA na sila ni Sarah para ituloy ang rehearsals.

Sing and dance sina Sarah at Alden at nang minsang nagkuwentuhan, palakpakan ang audience nang sabihin ni Sarah kay Alden na, “We have something in common. Kami ng mom ko sa Sta. Cruz, Manila, ang branch, ikaw ba?” Sagot ni Alden, “Sa Sta. Rosa, sa bayan namin,” pero hindi na nag-elaborate ang dalawa.

Ilang taon nang endorser si Sarah ng Cebuana samantalang ikalawang taon na ni Alden ngayon. Kaya ang inisip namin, ang tinutukoy nila ay maaaring ang sariling branch ng Cebuana na pag-aari na nila.

Comment nga ng isang fan, “How humble and grateful these two persons, ang cute nu’ng pagka-startruck mo @aldenrichards02.” Hindi raw kasi makapaniwala si Alden na magkasama sila sa isang concert stage ni Sarah, na biniro niya ng, “Dito pa tayo sa MOA nagkasama samantalang magkalapit lang naman ang GMA at ABS.”

Three songs each ang kinanta nina Sarah at Alden, pero si Alden, hoarse na talaga ang voice at nang kantahin niya ang God Gave Me You, medyo na off-tune na siya at nag-sorry. Bago iyon, namigay muna si Alden ng roses sa audience sa front row at isa sa nabigyan ay ang amang si Daddy Bae, kasama ang mga kapatid niyang sina Rissa at Angel, na ganoon pala ang feeling ng nabibigyan ng flower.

Ang kanilang susunod na concert na magkasama ay sa September 22 sa Cebu at sa October 22 sa Davao City.

After ng concert, diretso na si Alden sa NAIA patungong Paris para sa wedding nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho.