Ni: Bella Gamotea

Umaapela ng tulong pinansiyal ang mga kaanak ng mga biktima sa naganap na masaker sa isang condominium sa Pasay City, nitong Martes ng gabi.

Labis ang pagdadalamhati ng ina ni Daisery Castillo, 12, na nakaburol ngayon sa Rizal Funeral Homes sa nasabing lungsod.

Isa si Castillo sa mga napatay ni Alberto Garan y Flores, alyas Abet, sa Central Park Tower Condominium sa De Jorge Street, Pasay City, na kalaunan ay napatay ng mga pulis matapos umanong manlaban.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nananatili namang nasa morgue ng naturang punenarya ang labi ni Garan at nobya niyang si Emelyn Sagun.

Bukod kay Castillo, posibleng iburol din sa Rizal Funeral Homes ang labi ni Ligaya Dimapilis.

Nakaburol naman ang labi ni Leticia Ecsiagan sa St. Peter habang sa Arlington, Quezon City naman nakaburol ang dating news editor ng Manila Standard at SSS Spokesperson na si Joel Palacios.

Samantala, patuloy na nagpapagaling sa Pasay City General Hospital sina Belcris Elorde y Similla, asawa ni Palacios; April Joy Sagarino y Obligacion; at Margie Morales na pawang nagtamo ng mga saksak sa katawan.