By: Lito T. Mañago

SAYANG at wala sa thanksgiving blowout na ipinatawag ng Regal Entertainment’s big bosses na sina Mother Lily at Roselle Monteverde ang leading lady ni Vhong Navarro sa box-office hit na Woke Up Like This na si Lovi Poe.

VHONG AT LOVI copy

Nasa Europe na si Lovi for a much-needed rest at para makasama at makapiling na rin ang kanyang mon chéri (my darling) na si Chris Johnson.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Tinapos lang ni Lovi ang ilang commitments dito bago tuluyang lumipad patungong Paris, France. Ayon sa mga naunang lumabas na write-ups, dadalo siya at ang kanyang irog sa kasalang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa Paris sa September 3.

Bago umalis, kinarir muna ni Lovi ang ilang eksena sa The Significant Others ng Cineko Productions kasama sina Tom Rodriguez, Erich Gonzales, Snooky Serna at Dina Bonnevie, sa direksyon ni Joel Lamangan; umapir din muna siya sa premier night ng Woke Up Like This at nag-guest sa SRO birthday concert ni Ogie Alcasid na Nakakalokal sa Kia Theater at naglagare rin sa set ng magtatapos nang Mulawin vs Ravena ng GMA Network.

Huli naming nakausap ang aktres sa after party ng Regal pagkatapos ng premiere night almost a week ago at doon namin nalamang aalis siya sa katapusan ng buwang ito.

“I’m gonna go on a vacation soon,” kuwento ni Lovi, “and then back to work na po agad ako.”

Open book na at wala nang itinatago o inililihim si Lovi sa relasyon niya sa kanyang Fil-French boyfriend.

“Magkikita kami ni Chris because he’s not here, andu’n na siya sa Europe,” pagtatapat ng dalaga.

Kahit parehong in love sa isa’t isa sina Lovi at Chris at taon na rin ang binibilang ng kanilang relasyon, sabi ng aktres, wala pa sa bokabolaryo niya ang pag-aasawa.

“Wala pang plano. Malayung-malayo pa ako roon. I’m just in my 20s. So, enjoy pa muna ako.”

Haharapin din niya ang magagandang opportunities na dumarating sa kanya.

“He doesn’t meddle,” wika ni Lovi. “Alam niya ang nature ng trabaho ko and he supports me all the way.

Sa mainit na pagtanggap ng mga manonood sa reunion movie nila ni Vhong, “Nakatutuwa dahil marami ang nagkagusto sa pelikula namin. So thankful,” ani ng anak ng namayapang Fernando Poe, Jr.