Ni: Reggee Bonoan

MARAMI ang ayaw pa ring magtapos ang FPJ’s Ang Probinsyano sa 2018 lalo na ang mga natutulungan ng bidang si Coco Martin.

COCO LANG PO_please crop copy copy

Hindi lang naman kasi mga kapwa artista, lalo na ang mga beterano, at may tinutulungan din si Coco na mga mag-aaral at eskuwelahan na hindi napapansin ng gobyerno.

Human-Interest

KILALANIN: Mga alkalde ng Metro Manila na nasa huling termino na

At heto, may bago na namang project si Coco para sa Gawad Kalinga Munting Pamayanan for the Blind na ipinost ng Dreamscape Entertainment big boss na si Mr. Deo Endrinal.

“It takes a Hands to build a House, but only Hearts can build a Home,” nakasaad sa caption ng picture ni Coco kasama ang mga gumagawa ng bahay.

Isa lang ito sa mga proyekto ng FPJAP100 bilang pagtanaw sa mga sumubaybay sa aksiyon serye na patuloy na humahataw sa ratings game at ni hindi natinag ng anumang programang tumapat simula noong premiere airing.

Nabanggit sa 100 Weeks celebration ng FPJ Ang Probinsyano na pinag-aaral ni Coco ang mga batang kasama sa serye na sina Paquito, Dang at Ligaya. At take note, Bossing DMB, sa isang private school sa Quezon City sila pumapasok pero hindi na namin babanggitin ang pangalan for safety purposes.

Kuwento sa amin ni Direk Malu Sevilla, napakasipag at masayang pumasok sa eskuwela ng mga bata kasama ang kani-kanilang mga nanay na talagang gumigising ng maaga at pagkatapos ay saka magti-taping.

Kaya ang naririnig naming biruan ng mga nanonood ng Ang Probinsyano, “Ang daming pamilyang tinutulungan ni Coco Martin, kailan naman natin mababalitaan na magkakaroon siya ng sarili niyang pamilya’t anak?”

Oo nga, Coco! Kailan nga ba? Baka naman tumanda ka nang binata n’yan, ha? Sayang ang lahi, magaganda at guwapo tiyak ang magiging mga anak ninyo.

(Sino ang magiging nanay, Reggee? –DMB)

Anyway, naka-40.7% ang FPJAP versus 18.4% ng Alyas Robin Hood nitong nakaraang Martes, Agosto 29 at lukang-luka kami sa narinig naming running joke ng mga katoto.

“Sabihin mo kay Dingdong (Dantes), mag-guest na lang siya sa Ang Probinsyano.”