NI: Leandro Alborote

GERONA, Tarlac – Nalambat ang limang umano’y matitinik na tulak sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay San Antonio, Gerona, Tarlac, nitong Miyerkules.

Kinilala ni PO2 Christian Rirao ang naarestong sina Randy Santiago, 27, may asawa, ng nasabing barangay; Fernando Valdez, 29, may asawa; John Paulo Cabanes, 23, ng Bgy. San Antonio, Gerona; Giovanni Iglesia, 27; at Marvin Iglesia, 30, ng Bgy. Bawa, Gerona, Tarlac.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang isang sachet na naglalaman ng hindi pa matiyak na gramo ng shabu at drug paraphernalia.

Probinsya

1 buwang gulang na bata, patay matapos ilagay ng ama sa loob ng bag