Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor  (John Gurzinski / AFP
Floyd Mayweather Jr. at Conor McGregor (John Gurzinski / AFP

LAS VEGAS (AP) – Mistulang sinukat ni Floyd Mayweather Jr. ang kanyang ika-50 katunggali sa ibabaw ng ring matapos hayaan si Conor McGregor na mamayagpag sa mga naunang rounds ng kanilang laban bago niya ito sinupil sa bandang huli kung saan naubos ang lakas nito para dumipensa.

Binugbog ni Mayweather si McGregor sa mga huling rounds bago ito tuluyang pinahinto sa natitirang 1:05 ng 10th round sa pamamagitan ng magkakasunod na suntok na pumuwersa kay referee Robert Byrd na itigil na ang laban.

Sa mga naunang rounds, malakas ang sigawan ng pro-McGregor crowd sa tuwing makakatama ang suntok ng UFC star kay Mayweather bago siya dinurog nito at itala ang unang stoppage win matapos ang halos isang dekada.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Matapos ang laban, muling inanunsiyo ni Mayweather na ito na ang magiging huling laban niya at tuluyan na siyang magpapahinga.

Bagamat una pa lamang pagsabak sa isang professional boxing match, impresibo sa simula ng laban si McGregor.Pero pagkaraan ng tatlong rounds, tila naubusan ito ng hangin at dito na siya sinimulang pasadahan ni Mayweather.

“I think we gave the fans what they wanted to see,”wika ni Mayweather. “I owed them for the (Manny) Pacquiao fight.”

Nauna nang nagsabi si McGregor na pababagsakin nya si Mayweather sa loob ng dalawang rounds. Nagawa naman niyang patamaan ng kanyang kamao si Mayweather sa ulo ngunit pagdating ng fourth round nang matukoy na ng huli ang dapat niyang gawin ay nagbago ang takbo ng laban.

“I turned him into a Mexican tonight,” wika naman ni McGregor . “He fought like a Mexican.”

Namayani ang karanasan ni Mayweather matapos niyang maisakatuparang mabuti ang kanyang plano sa laban.

“Our game plan was to take our time, go to him and take him out in the end,” ayon pa kay Mayweather . “I guaranteed everybody this fight wouldn’t go the distance.”

“I was a little fatigued,” pag-amin naman ni McGregor.”He was composed in there, that’s what 50 pro fights can give you.”

Dahil sa panalo ay tumaas ang rekord ni Mayweather sa 50-0 (panalo-talo), na lumagpas sa rekord ni Rocky Marciano na 49-0.

“This is my last fight for sure. 50-0 sounds good, I’m looking forward to going into the Hall of Fame,” ani Mayweather . “I picked the best dance partner to do it with.”