JOHANNESBURG (AP) – Patay ang isang minero at apat na iba pa ang nawawala nang tumama ang lindol sa isang minahan ng ginto sa South Africa.

Sinabi ng kumpanyang Harmony nitong Sabado na naihon ng rescue teams sa minahan nito sa Kusasalethu malapit sa bayan ng Carletonville ang isang minero ngunit namatay ito kalaunan sanhi ng mga tinamong pinsala.

Nagpapatuloy ang paghahanap sa apat pang minero na nakulong sa ilalim ng gumuhong lupa nang bahagyang nawasak ng lindol ang minahan noong Biyernes ng umaga.
Internasyonal

Legarda, unawa pamboboykot sa 2025 FBF: 'But walking away is not the only form of resistance'