TEXAS (AP)— Nanalasa ang bagyong Harvey sa Texas at nagbuhos ng hindi pangkaraniwang dami ng ulan nitong Sabado matapos winasak ng bagyo mga kabahayan at negosyo sa tabing baybayin na ikinamatay ng dalawang kato at ikinasugat ng 14 iba pa. Ito ang pinakamalakas na bagyong tumama sa Texas sa loob ng mahigit 50 taon.
Sa buong rehiyon mula Corpus Christi hanggang Houston, nangangamba ang maraming tao na simula pa lamang ito. Hindi pa mabatid ng mga awtoridad ang kabuuang lawak ng pinsala dahil hindi marating ng mga emergency crew ang mga pinakasinalanta ng lugar bunga ng masamang panahon. Nangangamba sila ng matinding pinsala mula sa bagyo na maaaring tumagal ng ilang araw at nagbuhos ng mahigit 40 pulgada ng ulan sa lungsod, at pagbaha sa Houston.
“I can tell you I have a very bad feeling and that’s about it,” sabi ni Mayor Charles Bujan, na nanawagan ng mandatory evacuation.
Ang pinakamalakas na bagyong tumama sa U.S. sa loob ng mahigit isang dekada ay nanalasa nitong Biyernes ng gabi halos 48 kilometo sa hilagang silangan ng Corpus Christi bilang Category 4 storm sa lakas ng hangin na umaabot ng 209 kph.
Humina si Harvey sa tropical storm pagsapit ng Sabado ng tanghali. Dakong 10 ng gabi, humina ito sa 64 kph, sinabi ng National Hurricane Center. Ngunit kumikilos ang bagyo ng 1.6 kph habang patuloy sa pagbagsak ng ulan sa lugar, kabilang na ang Houston.