Ni: Bella Gamotea

Isa nang malamig na bangkay nang matagpuan ang commander ng Police Community Precinct (PCP) sa Makati City Police sa loob ng kanyang opisina, kahapon ng umaga.

Kinilala ni Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., Southern Police District (SPD) director, ang biktimang si Senior Inspector Noel Canites, 43, commander ng PCP 4-Bangkal ng Makati City Police, at nakatira sa No. 2036 M. Adriatico Street, Malate, Maynila.

Ayon kay Apolinario, hindi na humihinga si Canites nang datnan nina SPO1 Dagoh, PO3 Zambua at PO2 Salazar sa loob ng opisina nito sa nasabing presinto sa panulukan ng Evangelista St., at P. Santos, Barangay Bangkal, Makati City, bandang 7:40 ng umaga kahapon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa inisyal na imbestigasyon, dumanas ng stroke o hypertension ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Isinailalim na sa autopsy si Canites.