Ni: Rizaldy Comanda

CAMP DANGWA, Benguet – Arestado ang dalawang umano’y courier ng marijuana, matapos takbuhan ang police checkpoint sa Kiangan, Ifugao.

Nakatanggap umano ang Kiangan Municipal Police ng impormasyon tungkol sa dalawang suspek na lulan ng sasakyan (TIM-923) at may dalang marijuana, na nagmula sa Kalinga at papalabas ng Ifugao.

Sa halip na huminto sa checkpoint ay humarurot ang sasakyan sa junction ng Barangay Ibulao, Kiangan, dakong 5:30 ng hapon.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Inaresto sina Carl Adrian Vida at Mariam Nathalie Zarate, na kapwa taga-Las Piñas City.

Nakumpiska umano mula sa mga suspek ang anim na kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana.