TAIPEI – Agaw eksena ang Philippine billiards team sa 29th Summerc Universiade.

Naungusan ni John Rodlin Bautista si M. Soronzonbold ng Mongolia, 11-10, sa round-of-16 ng men’s 9-ball singles match nitong Sabado sa Taipei Expo Dome.

Nadomina ng 22-anyos mula sa Trinity University of Asia ang karibal para kamausad sa quarterfinal kontra Eirik Riisnaes ng Norway.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ginapi ni Riisnaes si Takayuki Shishido ng Japan, 11-4.

“Good luck to John. I hope he’ll continue to perform well ang bring honors to the country,” sambit ni Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) president David Ong.

Nabigo naman si James Lim ng Far Eastern University kontra Baasandorj Odsuren ng Mongolia, 9-11.

Sa Taipei Stadium, matiukas na nakibaka ang 15-man athletics team, ngunit kinapos laban sa matitika na karibal.

Nabigong makausad si Felyn Dolloso ng La Salle-Dasmatinas sa women’s triple jump finals sa natalon na 12.25 meters. Tumapos ang 24-anyos sa ika-11 puwesto na pinangunahan ni Neele Eckhardt ng Germany (13.52).

Sibak din sina Jeremiah Angela Malonzo ng University of the Philippinez sa women’s 200-meter at Karen Janario ng University of Santo Tomas.