Ni Marivic Awitan

NAKUMPLETO ng Lyceum ang nine-game first round sweep nang pabagsakin ang Mapua University, 97-74, kahapon sa NCAA Season 93 a Filoil Flying V Center.

Hataw si CJ Perez sa natipang 18 puntos sa first half para paningasin ang opensa ng Pirates. Umusad ang Lyceum sa 22-8 bentahe at hindi na nagawang makipaglaban ng Cardinals.

Bagsak ang Mapua sa 1-7.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna rito, nakabalik sa winning track ang Arellano University matapos maitala ang came from behind, 87-81 panalo kontra College of St. Benilde.

Naghahabol sa unang tatlong sets, ganap na inagaw ng Chiefs ang bentahe sa fourth period sa pamumuno ni Levi de la Cruz katulong si Kent Salado matapos magtakeover at ituloy ang sinimulang paghahabol sa third period nina Lervin Flores at Rence Alcoriza.

Isinalansan ng 22-anyos na si de la Cruz, ang 12 sa kanyang career high 24-puntos sa fourth period upang pangunahan ang ganap na pagbangon ng Chiefs.

"Sabi po kasi ni coach, tulungan ko si Kent Salado. Actually, dapat po sa depensa lang kaso nagkakataong libre at suwerte namang pumapasok din yung mga tira ko, " pahayag ng play maker mula Davao City na nagtala rin ng tatlong rebounds at apat na assists.

Dahil sa panalo, umangat ang Chiefs sa barahang 3-5, panalo -talo habang bumagsak naman ang Blazers sa 2-7, panalo -talong marka.

Bukod kay de la Cruz, nagpakita na rin ng hinahanap sa kanyang laro ang beteranong forward na si Lervin Flores na tumapos na may double double 14- puntos at 14 assists.

Iskor:

LYCEUM 97 - Perez 18, Baltazar 12, Santos 9, Pretta 9, Tansingco 8, Jv. Marcelino 8, Nzeusseu 6, Jc. Marcelino 6, Ayaay 5, Marata 4, Liwag 4, Ibañez 3, Caduyac 2, Sinco 2, Serrano 1.

MAPUA 74 - Buñag 17, Raflores 16, Nieles 13, Gabo 10, Aguirre 8, Victoria 4, Orquina 4, Magboo 2, Jimenez 0.

Quarterscores: 22-8, 52-34, 80-51, 97-74.