Ni: Nitz Miralles

MAY panghihinayang ang ilang fans nina Lovi Poe at Rocco Nacino na hindi sila nagkatagpuan sa Europe. Naroroon na si Rocco ngayon at sinamahan sa pamamasyal ang parents at kapatid, pero paalis pa lang si Lovi.

Sa premiere night ng Woke Up Like This, nabanggit ni Lovi na timeout muna siya sa trabaho at ilang araw na magbabakasyon sa Europe. Magkikita sila roon ng Fil-French boyfriend niyang si Chris Johnson. Wala pang masabing exact place sa Europe na kanilang pupuntahan, doon na lang nila paplanuhin.

Matatapos na yata ang shooting ni Lovi ng movie ng Cineko Productions na The Significant Other at wala pa siyang regular soap sa GMA-7. Hindi namin naitanong sa dalaga kung babalik pa siya sa Mulawin vs Ravena na sa takbo ng istorya ay buntis si Magindara (Lovi) sa anak nila ni Siklab (Dion Ignacio). Makikita kaya ng viewers ang anak ng sirenang si Magindara at ng Ravena na si Siklab?

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Anyway, second day ngayon ng Woke Up Like This na sa premiere night pa lang ay mixed reactions ang tao. Kaya pala ni Lovi magpatawa at umaasa siyang hindi ang Regal Entertainment movie ang last comedy film na kanyang gagawin.