Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Nagwala ang isang senior citizen hanggang sunugin ang tinutuluyang bahay nang hindi nadatnan doon ang kinakasamang babae sa Barangay Care, Tarlac City kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Jaycee Calma kay Tarlac City Police chief, Supt. Bayani Razalan, ang nanunog ay si Victorino Alimurong, 63, habang ang live-in partner ay si Gloria Ramos, 67, kapwa residente sa nasabing barangay.

Una rito, nakitulog si Ramos sa kanilang kapitbahay na 20 metro ang layo sa kanilang bahay.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Nang dumating ang suspek bandang 1:00 ng umaga ay hindi nito nadatnan ang kinakasama hanggang sa nagwala, binuhusan ng gasolina ang bahay at sinilaban.

Aabot sa P300,000 halaga ang napinsala sa naturang sunog, at nakadetine na ngayon ang suspek at nahaharap sa arson.