HAMBURG, Germany – Target nina Rio Olympian Rogen Ladon at Dannel Maamo ang gintong medalya sa kanilang pagbigwas sa AIBA World Boxing Championships simula sa Sabado (Biyernes sa Manila).

Tumulak patungong Istanbul ang four-man Philippine Team nitong Lunes para sa apat na oras na connecting flight patungong Hamburg.

Sasabak si Ladon sa light flyweight category (49 kg), habang mapapalaban si Maamo sa flyweight division (52 kg).

Nakalusot ang dalawa sa pamosong torneo matapos magwagi ng bronze medal sa kani-kanilang division sa ASBC Asian Elite Men’s Championship nitong Mayo sa Tashkent, Uzbekistan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasungkit ni Ladon ang bronze medal sa torneo noong 2015 sa Doha, Qatar.

“Both Ladon and Maamo prepared hard for this. They’re in great shape, but it’s hard to make any sort of projection especially in the world championships,” pahayag ni ABAP secretary-general Ed Picson.

Sina Nolito Velasco at Ronald Chavez ang coach.