Ni ROBERT R. REQUINTINA

NAGKRUS uli ang landas ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson at ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon sa social media nang magkasagutan tungkol sa isyu ng illegal drugs.

Nagsimula ang lahat nang i-repost ni Mariel sa Twitter ang artikulo sa ABS-CBN online na pinamagatang “Bloodiest week yet: At least 80 dead in Duterte’s war on drugs” nitong Agosto 18.

MOCHA copy copy

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Sinundan ito ng dalawa pang post ng beauty queen na, “Bloody Philippines” at, “It’s hard to wrap my mind around the fact that people are okay with murder because their leader says it is okay.”

Kinabukasan, Agosto 19, nagkomento si Uson sa post ni Mariel ng, “Ate wag puro ganda ginagamit mo. Iba ang MURDER at iba ang pagpatay sa mga kriminal.

“HINDI INUTOS NG AMING PANGULO ANG PATAYIN ANG INOSENTE. Kung meron mga tiwaling pulis hindi ito kasalanan ng Pangulo at ito ay kanyang paparusahan. Don’t confuse MURDER WITH KILLING THE CRIMINALS.”

Agad sinagot ni Mariel, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong, ang komento ni Uson.

“Didn’t mention anything specific, but hey! If you’re affected, I guess the shoe fits perfectly!???? #SashayAway,” lahad ng beauty queen.

Ito ang pangalawang pagsasagutan nina Uson at Mariel sa social media.

Nitong nakaraang Mayo, hindi sumang-ayon si De Leon nang iluklok ng Palasyo si Uson sa posisyon nito ngayon, at sinabing marami pang ibang kuwalipikado sa puwesto.

“Biased and disrespectful. She insults those who are against her. I’m not for her, I’m not for the other side (whatever that may be). I love my country so it breaks my heart to know someone like her got a position in the government,” saad ng beauty queen.

Itinuring itong constructive criticism ni Uson na nangakong pagbubutihin ang kanyang bagong tungkulin.

“Sorry po, Bb. Pilipinas. I’ll take note po of your tweets at pagbubutihin ko po para sa bayan at para sa ‘yo po,” ani Uson.

Tinapos naman ni Mariel ang isyu sa kanyang reaksiyon sa pagkakatalaga kay Uson. “It proves that we can accept each other’s opinions & differences and still let peace, democracy, and love for country prevail. It is done.”

Sa kabila nito, sinabi ni Mariel patuloy siyang magsasalita tungkol sa mga kontrobersiyal na isyu sa bansa.