Ni NORA CALDERON

NAKAKATUWA na sunud-sunod ang local film festivals. Pagkatapos ng Cinemalaya Film Festival last August 8, nagsimula naman ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng FDCP noong August 16 at magtatapos naman bukas, August 24. Wala pang balita tungkol sa QC Film Festival na usually ay ginaganap ng November, pero ang susunod nang aabangan ay ang 2017 Metro Manila Film Festival sa December.

2017 Cine Filipino finalists kasama sina Festival Director Madonna Tarrayo at Head of Competition Joey Javier Reyes copy

Nitong nakaraang Linggo, maaga ang announcement para sa unang film festival na magaganap sa susunod na taon – sa Marso 2018, ang 3rd Cine Filipino na mayroong walong feature length finalists sa pamamagitan ni Festival Director Madonna Tarrayo na tinutulungan ng Head of Competition na si Direk Joey Reyes.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Ang walong pelikulang ilalahok ay ang Delia at Sammy ni Therese Cayaba; Mata Tapang ni Rod Marmol; The Eternity Between Seconds ni Alec Figuracion; Excuse Me Po ni Ron Batallones; Poon ni Roni Benald; Hit Boy ni Bar Ocampo; Kahit Man Lamang Kung Maaari ni Donalyn Baltazar at Mga Mister ni Rosario ni Ronal Allan Habon.

Sa first Cine Filipino, ipinaalam nina Direk Joey Reyes at Madonna Tarrayo na ang pelikula nilang Huling Cha-Cha ni Anita ay dinirihe ni Sigrid Andrea Bernardo na siya ring nagdirek ng blockbuster movie na Kita Kita. Umaasa sila na isa sa walong pelikulang kalahok ay ididirek ni Sigrid.

Umabot sa 150 entry ang pinagpilian ng walong official entries. Ang Cine Filipino Film Festival ay organized and led by Unitel ni Tony Gloria at naki-partner sila this year sa MVP Group including Cignal Entertainment with its president, Jane Jimenez Basas.

Ang bumuo naman ng selection committee ay sina Madonna Tarrayo, Joey Reyes, Bayani San Diego, Hannah Espia, Joel Ruiz, Lilit Reyes at Manet Dayrit.

Ipinaalaala rin ng CineFilipino na patuloy pa silang tumatanggap ng entries para sa short film and digital content categories hanggang sa September 30, 2017.