ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Iginiit ni Ruben Gonzales na handa siyang maglaro sa National Team hangga’t kaya ng kanyang kalusugan. Ngunit, kung papalarin, nais niyang magsimulang magturo sa sariling tennis academy.

Kumpiyansa ang 31-anyos na Fil-American, regular na lumalahok sa Challenger circuits sa United States,sa kanilang tambalan ni Frances Casey Alcanta sa 29th Southeast Asian Games.

“Of course, we will miss Treat (Huey), but we understand he needs to play the US Open which is in conflict with the Games,” sambit ni Gonzales.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Dumating dito si Gonzales nitong Sabado kasama ang kanyang mga kasangga na sina rookie AJ Lim at Jeson Patrombon.

Ang 18-anyos na si Lim, pambato ng University of the East, ang pinakabata sa koponan matapos palitan ang umatras na si Treat. Nagsasanay siya sa US sa pangangasiwa ni three-time SEAG singles champion Cecil Mamiit.

“The Games would be good exposure as I prepare to play in Futures tournaments in the US and Asia,” pahayag ni Lim.

Ikinagalak ni Lim ang suporta ng UE sa kanyang pagnanais na maabot ang minimithing tagumpay.

“They gave me modules through Internet and allow me to take tests online,” sambit ni Lim.

Nakamit ng bansa ang gintong medalya sa mixed doubles mula kina Denise Dy at Huey sa Singapore may dalawang taon na ang nakalilipas.