Anthony Bova (gitna) kasama sina GMA execs Gigi Santiago-Lara at Lilybeth Rasonable, Ana Feleo at Direk Maro J
Anthony Bova (gitna) kasama sina GMA execs Gigi Santiago-Lara at Lilybeth Rasonable,
Ana Feleo at Direk Maro J

NAGSIMULA noong nakaraang Martes, August 15 ang 3-day intense acting workshop ng 46 na alaga ng GMA Artist Center (GMAAC) sa ilalim ng pamamahala ng New York professional acting teacher na si Anthony Bova. Tinuruan sila ng method of ‘being’ as per developed by actor-author Eric Morris.

Sa press conference, dumalo ang GMAAC stars na sina Gil Cuerva, Joyce Ching at Mikee Quintos, with Direk Maryo J. delos Reyes at Direk Laurice Guillen. Present din ang stage-movie-TV actress na si Ana Feleo na isa sa mga ipinagmamalaking naging estudyante ni Anthony at kasama niya sa New York.

Matagal na ring nagha-handle ng workshops dito sa Pilipinas si Ana. Ilang buwan na rin siyang nasa New York pero nananatili muna rito para asikasuhin ang workshop.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Mentor ni Anthony si Eric Morris, na may special regard para sa Pilipinas simula nang makatrabaho sina Direk Laurice, Johnny Delgado, Michael de Mesa at Leo Martinez. For more than 20 years, may blessings si Eric Morris sa kanyang protégé na si Anthony Bova, para ituro ang kanyang system of work for over 20 years now.

Hangad ni Anthony Bova na matulungan ang future generation of actors ng GMA Artist Center na i-develop ang skills as effective performer sa together with Laurice Guillen Actors Studio.

Ang labis naging excited na mag-join sa acting workshop ay ang baguhang si Gil Cuerva. Nagkaroon lang ng madaliang workshop si Gil bago nag-taping ng My Love From The Sky, kaya ang wish niya after the rom-com ay pormal nang sumailalim sa intense workshop. Tuwang-tuwa siya nang malamang magkakaroon sila ng formal acting workshop. Kinalimutan muna niyang magbakasyon o magpahinga after ng almost four months na tuluy-tuloy na taping.