Nasa 290 high school students ang isinugod sa magkakaibang ospital matapos makaramdam ng sintomas ng food poisoning sa Novaliches, Quezon City kamakalawa.

Base sa mga ulat, isinugod sa kanilang school clinic ang mga estudyante ng Sta. Lucia High School nang maduwal, sumakit ang tiyan at magsuka.

Sinisi ng mga estudyante ang flavored shake na kanilang binili sa kanilang school canteen na maaaring sanhi ng kanilang pagkakaospital.

Ilan sa mga biktima ang nagsabi na amoy sabon at mapait ang flavored shake na kanilang binili.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Ayon kay Jona Delgado, ina ng isa sa mga biktima, na ang kanyang anak ay dumanas ng matinding pananakit ng tiyan makaraang inumin ang shake na lasang bleaching detergent.

“Sumakit yung tiyan n’ya tapos nahihilo raw s’ya at namumutla na. Sabi n’ya parang sinusunog daw ang tiyan n’ya. Konti lang daw ang nainom n’ya pero katulad pa rin dun sa mga maraming nainom. Parang sinusunog din ang tiyan,” kuwento ni Delgado.

Ilan sa mga estudyante na isinugod sa Novaliches District Hospital, Quezon City General Hospital, Bernardino General Hospital, FEU Hospital, at Fairview General Hospital ay nasa maayos nang kondisyon at nakauwi na.

Hindi nagbigay ng detalye ang ospital sa posibleng sanhi ng mass food poisoning. - Alexandria Dennise San Juan at Jun Fabon