RIYADH (AFP) – Iniutos ni King Salman ng Saudi Arabia na muling buksan ang hangganan sa Qatar para sa annual hajj pilgrimage, iniulat ng state media nitong Huwebes.

Isinara ang tawiran sa Salwa border matapos putulin ng Saudi Arabia, Egypt, Bahrain at United Arab Emirates ang diplomatic at trade ties sa Qatar nitong Hunyo 5, dahil sa akusasyong sinusuportahan ng Doha ang mga grupong Islamist extremist.

Inanunsiyo ang muling pagbubukas sa hangganan para sa Qatari pilgrims matapos bumisita kay Saudi Arabia Crown Prince Mohammed bin Salman si Qatari Sheikh Abdullah bin Ali bin Abdullah bin Jassim al-Thani mula sa Doha, ayon sa Saudi Press Agency.

Magsisimula ang hajj, isa sa mga haligi ng Islam, ngayong taon sa Setyembre.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'