Ni JUN RAMIREZ

NAHAHARAP na naman sa panibagong kaso si Richard Gutierrez na muling may kaugnayan sa P38-million tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Hulyo.

RICHARD copy copy

Sa formal complaint na isinampa kahapon sa Department of Justice, inakusahan ng BIR si Gutierrez ng perjury at pamemeke ng mga dokumento dahil sa umano’y pagsusumite ng mga pekeng counter-affidavits ng 2012 income niya at value-added tax returns, dahil wala umano itong ibinayad para sa nasabing taon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon kay Quezon City Revenue Regional Director Marina de Guzman, ang panlilinlang na ito ay pagtatangka na maibasura ang kaso sa hindi pagbabayad ng buwis ni Gutierrez at ng kanyang media outfit na R Gutz Production, Inc. ng Annapolis, San Juan.

Saad pa ni Ms. De Guzman, ang income at value-added tax returns ay ginawa upang ipakita na ito ay natanggap at natatakan ng tanggapan ng San Juan revenue district office.

Pero itinanggi ng receiving revenue officer na ang initials na nakalagay sa returns ay mula sa kanyang pangalan at ang rubber stamp marks na nakatatak dito ay hindi galing sa kanilang district office.

Nakasaad sa complaint na gumawa ng krimen si Gutierrez at kakasuhan ng falsification of public public documents perjury dahil sa pagsusumite nito ng mga pekeng papeles, na sa katunayan ay hindi siya nagbayad ng tax para sa taong 2012.